Certified #OTWOLISTA

“Pag mahal ka babalikan ka…”

Oo alam ko. Pamilyar di ba? Uy napangiti sya, naalala mo si Clark at Leah noh? Nakakakilig sila diba? E si Manang Tiffany at Tolits? Ayiiee…
Well, di ako magba-blog para ulitin yung mga paborito mong eksena o linya sa OTWOL (On the Wings of Love). In fact, di ko pa napapanood yung #OTWOLTheProposal. Hehe. Hinihintay ko pa sa otwolista.com. 😉
Naisipan ko lang na sumulat tungkol sa kanila kasi masyado na akong affected. Oo sobrang affected na pati sa panaginip si Clark at Leah na ang kasama ko. Na sana totoong may ideal na hubby at wifey. Na sana kahit gano tayo nasaktan o natatakot e madali lang sumugal. Na meron pang Clark na sobrang understanding + super gwapo at super sweet na hubby. Na sana di na lang matapos yung kilig at saya.
Pero hindi e. Gaya sa otwol, nanjan ang mga panira ng almost-perfect-na-lovestory, tulad ni Jigs at Angela. O kaya naman mga multo ng nakaraan na ayaw mo na sanang bumalik kasi nakamove-on ka na (or should I say, akala mo nakamove-on ka na?), parang yung malaman ni Leah na buhay pa pala si Nanang at parang yung biglaang pagbabalik ni Adrian sa buhay nila Manang Tiffany.
Na sana lahat ng pamilya nagmamahalan at nagkakaintindihan. Na sana lahat kasing bait ni Tita Jack. Na sana ang prinsipyo di mabilis mabali gaya ng kay Tatang Sol. At sana… Lahat ng communities sa Pinas kasing saya ng Tenement Uno, lahat ng leaders kasing cool ni Kapitana na close sa lahat ng kanyang constituents. :p
‘Tong kwentong ‘to, aminin mo man o hindi, tumatagos sa puso ng bawat nanonood. Bata ka man o matanda, may asawa o wala, single at naghahanap ng forever o sumuko ng maghanap ng forever. Yung mga gantong kwento parang fuel yan sa puso eh. Binubuhay yung kilig, yung saya, yung lungkot, takot, yung katotohanan ng buhay.
Sana talaga meron pang tulad nila Leah at Clark noh? Para yung mga katulad ni Manang Tiffany (malay natin), sumugal ulit. Kasi sabi ni Tatang, “ang pusong hindi nagmamahal, unti-unting namamatay”. Na sana yung mga pekeng beginning maging happy ever after din. Na sana madaling hanapan ng solusyon ang mga problema. Na sana tulad ni Jigs, konting panahon lang malaki ng pinagbago.
Si Leah, ideal syang wifey. Maganda, matalino, mapagmahal sa pamilya, maasikaso, positive-thinker, matured. Parang all-in-one na nga e. Pero, tao rin sya. Genuine. Nasasaktan, natatakot, napapraning. Ang isa sa karakter ni Leah na sana madali lang ma-achieve ay yung pagshi-shift nya ng negative sa positive. Lahat parang kayang-kaya, achieve! Tsaka yung sweetness nya natural na lumalabas (baka kahit off-cam, lol!). Mahirap magsilbi sa asawa lalo na’t may mabigat na pinagdadaanan. Kaya bilib ako sa karakter nya, PUSH!
Si Clark… Hay! Too good to be true talaga. Gwapo. Sincere. Romantic. Faithful. Honest. Sobrang understanding. Patient. Galing makisama. Ikaw na! Pero sa totoo lang parang napaka-imposible ng makahanap ng tulad nya, noh? Pero ganun dapat ang mga lalake. Na kahit nakuha na yung matamis na “oo” di pa rin tumitigil manligaw. Security yun e. At yun ang gusto ng bawat babae. Aminin, gusto natin para tayong prinsesa. Sana lahat ng lalake kasing faithful nya. Na kahit anong iharap sa kanya, at the end of the day, si wifey pa rin. *wink* #kilig
***
Bakit ako affected masyado sa otwol? Masaya ako sa kung anong meron ako. Bilang nanay with 2 kids, pleasure! Pero syempre mahirap. Di basta-basta, wala namang madali sa buhay e.
Bilang asawa? Masaya rin. Kahit hindi kasing perfect ng kila Leah at Clark, masarap isipin na iyong isinugal ko noon, unti-unti nagkakabunga na. Oo, maraming nagbago. Di na kasing sweet ng dati. Di na kasing ideal nung nagsisimula pa lang kami. Pero sabi nga
“Pag mahal ka, babalikan ka…”
Itong phrase na ito maraming pwedeng maging meaning. Bukod sa literal na babalik sayo ang taong nawala sayo noon (ika nga love will lead you back), pwede ring pag mahal ka – marami mang magbago, babalik at babalik kayo sa pinagsimulan nyo para manatiling “together”.  🙂
#certfiedOTWOLista
#JaDineFAN
#hugot
#kwentonimommygrace
#charotlang
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s